Magiging available na sa ikatlong quarter ng taon ang bakuna kontra African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., isinasapinal na nila ang mga guidelines kasama ang agricultural at veterinary stakeholders para sa kontroladong roll-out ng mga ASF vaccines.
Kasabay nito ay binigyang-diin ng kalihim na ang vaccine procurement ay nagpapakita ng commitment ng DA para ingatan ang swine industry, at mapabuti ang national food security sa gitna ng mga hamong dala ng sakit.
Tiniyak ng ahensya na mananatili silang dedicated sa pagsuporta sa mga hog farmers.
Mababatid na una nang naglaan ng P350M ang DA para pondohan ang pagbili ng bakuna, mga syringe, at iba pang pangangailangan para sa ASF vaccine rollout.