KORONADAL CITY- UPANG mapabilis ang pag-avail ng mga serbisyo ng Social Security System o SSS, hinihikayat ang mga miyembro at pensioners na gamitin ang digital portals ng ahensya.
Inihayag ni SSS Mindanao South II Division Vice President Redentor Viola na maaari nang na ma-access ng mga miyembro ang halos lahat ng mga serbisyo ng SSS sa pamamagitan ng My.SSS portal at SSS mobile app.
Kabilang sa mga ito ang access sa membership data records, contributions, enrolment of savings account, applications for salary loan, unemployment benefits, pension loan, maternity, retirement and funeral benefits, online transactions at iba pa.
Ayon sa opisyal na ang tinatanggap na lamang ngayon ng mga SSS branch ay ang mga complicated cases.
Sa pamamagitan ng online transactions, malilimitahan ang mahabang pila at bilang ng mga tao na pumupunta sa mga SSS branch.
Samantala, plano naman ng SSS na magtayo ng Self-Service Express Terminal o SET sa mga key areas sa rehiyon.
Sa SET, maaari nang magtransact online ang mga SSS members.
Sakop ng SSS Mindanao South II Division ang mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani at Cotabato City.
