PVet So.Cot pinaiiwas ang publiko sa pagbili ng mga karne ng baboy na hindi dumaan sa inspeksyon

KORONADAL CITY- HUWAG bumili ng mga karne ng baboy na kinakatay lamang sa mga bahay-bahay.

Ito ang apela Dr. Byron Dela Cruz, Veterinarian IV ng Provincial Veterinary Office o PVet South Cotabato sa mga mamamayan sa gitna ng nagpapatuloy na kampanya ng probinsya kontra sa African Swine Fever o ASF.
Ayon kay Dela Cruz na talamak ang bentahan ng murang karne ng baboy na hindi dumadaan sa inspeksyon at hindi kinatay sa slaughterhouse na mahigpit na ipinagbabawal batay sa Food Safety Act.
Ang presyo nito ay nasa P 500 na lamang umano bawat tatlong kilo.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dahil hindi dumaan sa pagsusuri, inihayag ni Dela Cruz na hindi tiyak kung ito ay ligtas kainin at kung ito ba ay ligtas sa anumang sakit katulad ng ASF.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang mga consumers na bumili lamang ng karne sa mga lehitimong meat vendors.

Sa ngayon, nananatili sa red zone sa ASF ang bayan ng Banga at Surallah habang nasa pink zone naman ang mga karatig munisipyo nito.

Ang bayan na lamang ng Polomolok at Tampakan ang nasa green zone category.