Agarang pagbabalik sa lumang school calendar, makaaapekto sa well-being ng bata at guro

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na maaapektuhan ang kalagayan ng mga mag-aarala at guro sakaling biglang ibalik sa lumang school calendar ang panahon ng pag-aaral ng mga ito.

Sa isang pahayag sinabi ng DepEd na ang pagbabawas ng timeline ay mayroong impacts, hindi lamang sa learning outcomes, kung ‘di maging sa well-being ng mga estudyante at teachers dahil sa kawalan ng sapat na bakasyon.

Sinabi rin ng ahensya na ang two-year gradual reversion ay ang napaikling timeline na – kumpara sa orihinal na mungkahing five-year reversion.

Sa huli, tiniyak naman ng DepEd sa publiko na committed sila sa pagpapabuti ng kalidad ng basic education, at lilinawin nila kay Pangulong Bongbong Marcos ang tungkol sa reversion sa sandaling matapos nito ang kanyang trilateral summit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *