Mga sala-salabat na kable at illegal connections sa Metro Manila, mas dumami noong pandemya

Mas dumami noong pandemya ang nanamantala para magkabit ng ilegal na connection sa mga poste ng Meralco sa Metro Manila.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, naging loaded at naging mas mabigat ang mga poste na maaring maging sanhi ng aksidente.

Paliwanag naman ni Zaldarriaga, malalaman sa pamamangitan ng attachments kung ang kable ay kuryente o sa telecommunications.

Pag mas mataas ang kable ay ito ay sa Meralco pero kung mababa naman, ito ay sa telco.

Hinikayat naman ng Meralco ang publiko na ireport sa kanila kung makikitang mga sala-salabat na kable.