Alleged anti-vaccine propaganda ng US – iimbestigahan na sa Senado

Ipinunto ni Senadora Imee Marcos na base sa Saligang Batas, layunin ng estado na protektahan ang nasasakupan nito mula sa anumang public health threats.

Alinsunod nito, pormal nang inihain sa Senado ni Marcos ang resolusyong nagdidirekta sa sarili niyang komite na imbestigahan ang hinihinalang anti-vaccine propaganda na ginawa ng military ng United States of America noong panahon ng pandemya.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nag-ugat ang paghahain ng resolusyong ito matapos lumabas sa isang artikulo ng dalawang mamamahayag na ang US military ang taong nasa likod ng paninira sa Sinovac vaccine ng China.

Ito ay bilang tugon umano ng US sa pagsisikap ng Beijing na sisihin sila para sa pandemya.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, lumalabas din sa nasabing artikulo na mayroong hindi kukulang sa tatlong daang fake accounts sa ‘X’ o ‘Twitter’ ang ginamit noong 2020 sa pagpapaingay ng slogang #Chinaangvirus.

Kaugnay nito, naniniwala si Marcos na maaring magdala ng matinding panganib sa national security at public health ang anumang anti-vax at misinformation campaigns.