Nakatenggang Dalian trains sa MRT3, iimbestigahan na sa Senado

Ikinwento ni Senador Raffy Tulfo na nakatiwangwang at nababalot na ng alikabok ang 48 Dalian trains ng makita niya ito sa kanyang pag-iinspekyon sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa Quezon City.

Ang train na ito ay gawa sa China na may halagang P3.7 bilyon simula noong ito ay ma-deliver noong 2017.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Anya, batid niyang may mga nakasuhan na sa Ombudsman dahil dito bagamat na-dismiss din agad ang kaso.

Alinsunod nito, magpapatawag umano siya ng pagdinig sa Senado sa darating na Hulyo pagkatapos ng Senate recess upang mapanagot ang taong nasa likod nito.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maliban pa roon, layunin din umano ng gagawin nilang pagdinig sa kanyang komite na bawiin ang perang nagastos para sa mga walang silbing Dalian trains.