Mga restaurants, planong magbigay ng discounts sa mga COVID-19 vaccinees

Plano ngayon ng ilang restaurants na magbigay ng iba’t-ibang level ng diskwento sa mga COVID-19 vaccinees, sa layuning mas marami pang mga Pilipino ang mahikayat na magpabakuna.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sa katunayan may ilan umanong kaininan ang nagbibigay na ng discounts.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Lopez ang private sector sa pagbuo ng naturang inisyatibo.

Sa kabila nito, nanindigan ang kalihim na ang ang pinaka-benepisyo ng pagpapabakuna ay para makaiwas sa severe symptoms ng COVID-19 at hindi ma-ospital.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Sa huli, pinaalalahanan nito ang publiko na magpabakuna laban sa naturang virus, anuman ang brand ng bakuna. // MHEL PACIA