Bill na magpapaliban sa 1st BARMM polls, naipasa na para sa deliberasyon ng Senado

Nakarating na sa plenaryo ng Senado para sa deliberasyon ang panukala na humihiling para sa pagpapaliban ng tatlong taon ng kauna-unahang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), na unang itinakda sa 2022.

Ito’y matapos na maendorso na ni Senator Francis Tolentino, chairperson ng Senate local government committee, para sa approval ng plenaryo ang Senate Bill No. 2214, na naglalayung palitan ang taon ng kauna-unahang regular BARMM elections mula 2022 sa 2025.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Dahil umano sa pagpapaliban sa naturang halalan, mabibigyan ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng mas maraming panahon para gawin ang kanilang mandato, lalo’t malaki ang hamon ng COVID-19 pandemic sa accomplishment ng kanilang priority programs at projects.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Samantala, bagama’t kinikilala ng senador ang mga hakbang na na-accomplish ng BTA, ay hindi pa naman nako-kompleto ang kanilang tasks sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, na ipinasa noong 2018. // MHEL PACIA