Mga pumapasa sa LET sa Bicol, bahagyang bumaba nitong buwan ng Marso – PRC Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol na bahagyang bumaba ang mga pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) nitong buwan ng Marso. 

Ayon kay Chief Professional Regulation Officer, Jerome Bañes, kung pagbabasehan ang lumabas na resulta, mas mataas nang kaunti ang mga pumasa noong nakaraang taon kumpara sa kasalukuyan, kung saan ang nakuhang national passing rate sa elementary ay 44.76% habang 46.94% secondary.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Paliwanag nito, nakadepende pa rin kasi ito sa bilang ng examinees.

Nagbigay din ng paalala ang ahensya sa mga examinees na bago sumabak sa anumang pagsusulit ay kailangang mayroong ibayong paghahanda, determinasyon, gabay mula sa paaralan at magulang upang pumasa sa examination.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Sinabi pa ni  Bañes na ang kailangan tutukan sa pag-aaral ng mga examinees pagdating sa LET ay ang General at Professional Education sa elementary, habang sa secondary naman ay ang General Education, Professional Education at Field of Specialization.