Mga pulis, nakaalerto laban sa mga pekeng vaccination cards

Naka-alerto ngayon ang Philippine National Police laban sa mga posibleng paggamit ng mga pekeng vaccination cards matapos paluwagin ng gobyerno ang mga patakaran sa interzonal travel para sa mga fully vaccinated na indibidwal.

Naniniwala si PNP chief General Guillermo Eleazar na kung kayang gawin ng mga tao na pekehin ang kanilang RT-PCR test ay hindi malabo na mangyari rin ito sa mga vaccination cards.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Eleazar, makikipagtulungan ang pulisya sa local government units sa pagpapatupad ng mga huling guidelines sa interzonal travel para sa mga fully vacccinated na tao.

Dahil dito ay inutos ng PNP chief sa lahat ng opisina at units ng pulisya na maging vigilant laban sa mga byahero na maaring gumamit ng mga pekeng dokumento para patunayan na sila ay fully vaccinated.

Una nang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pwedeng ipresenta ng mga indibidwal na nais tumawid sa mga borders ang kanilang vaccination cards imbis na COVID-19 results.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Base sa huling resolusyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ay makokonsiderang fully vaccinated ang isang tao kung lumipas na ang dalawang linggo o higit pa mula nang matanggap nila ang second dose ng COVID-19 vaccine na aprubado ng Food and Drug Administration o ng World Health Organization para sa emergency use.