Indonesia, nakiusap sa Oxygen manufacturers na i-allocate ang lahat ng suplay nito sa mga ospital

Nanawagan ang Indonesia na maipadala ang suplay ng oxygen ng bansa sa mga ospital kung saan ay nag-uumapaw ang bilang ng mga COVID-19 patients.

Sinabi ni senior minister Luhut Binsar Pandjaitan na nasabihan na ang mga oxygen producers na i-allocate ang kanilang stocks sa medical sector kasunod ng pagkakabubog ng kanilang bansa mula sa wave ng infections na pinalala ng mas nakahahawa na Delta variant.

Ipinunto ng opisyal na sapat ang kanilang oxygen supply, ngunit umakyat ng tatlo hanggang apat na beses ang demand para rito na dahilan upang magresulta ito sa distribution gridlocks.

Meron nang limang oxygen producers na kinausap ang Indonesian government, upang tiyakin na mailalaan ang 100% ng kanilang suplay sa health sector.

Mababatid na ang Indonesia na ngayon ay ang pinakamatinding tinamaan ng virus sa buong Southeast Asia.