Ordinansa para sa proteksyon ng mga myembro ng LGBTQ+ Sa San Vicente, Palawan, lusot na sanguniang bayan

Aprubado na sa huli at ikatlong pagbasa ng Sanguniang Bayan ang ordinansang magbibigay proteksyon sa mga myembro ng LGBTQIA+ sa bayan ng San Vicente.

Ito ay ang San Vicente Gender Fair Ordinance of 2024 na ipinanukala ni SB Maria Carmen Libarra ang Chairman ng Committee of Gender and Development.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Isinasaad sa ordinansa na hindi dapat makaranas na anumang uri ng diskriminasyon ang mga myembro ng LGBTQIA+.

Kabilang na dito ang deskriminasyon sa Trabaho, pag-aaral, pagbigay ng Goods and Services at masasakit na salita.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P1000 sa 1st Offense at P2500 sa 2nd at 3rd Offense at maari pang ikansela ang Mayor’s Permit kung nangyari ito sa trabaho.

Samantala, magiging epektibo ang ordinansa sa oras na maaprubahan ng punong bayan at mailathala sa pahayagan.