Mga Pilipino, mayroon nang substantial immunity laban sa COVID-19 – OCTA

Inihayag ng OCTA Research na ineenjoy na ng Pilipinas ang substantial level ng immunity mula sa COVID-19 matapos maitala ng bansa ang mga mabababang bilang ng COVID-19 sa loob ng 20 buwan.

Sinabi ng OCTA na ito ay kahit nabigyan ng  mataas na mobility ang mga Pilipino.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa report ni Fr. Nicanor Austriaco kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi niya na nag-improve na rin ang hospitalization levels sa bansa kung saan ay pinakadominante ngayon ang Delta variant.

Ipinunto rin ni Austriaco na inanunsyo na ng Makati Medical Center kamakailan na wala itong na-admit na COVID-19 patient noong Lunes.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ang ibig sabihin aniya nito ay nakamit na ng bansa ang “substantial population immunity” mula sa natural infections at vaccination sa urban areas ng Pilipinas.