Panukalang fixed term para sa AFP chief at iba pang opisyal, aprubado ng House

Inaprubahan ng House of Represenatives ang panukala na nagsusulong ng fixed 3-year term para sa hepe ng Armed Forces of the Philippines at iba pang key military officials.

Tinataasan rin ng nasabing panukala ang mandatory retirement age para sa mga heneral at flag officers.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Lumusot ang panukala sa 3rd at final reading matapos nitong makatanggap ng 184 na affirmative votes, anim na negative at 0 absentions.

Bukod sa fixed term ng AFP chief-of-staff, ay sakop rin ng panukala ang vice chief of staff, deputy chief-of-staff, at commanding generals ng Philippine Army, Navy, at Air Force.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Tanging ang Pangulo lamang ang papayagang mag-terminate sa nasabing polisiya.