LEGAZPI CITY – Aprobado na ng Commission on Higher Education (CHED) Central Office na magkaroon ang lahat ng programs na magsagawa ng limited face to face classes ang lahat ng universities ng pampubliko at pribado.
Ayon kay Freddie Bernal, ang Regional Director ng CHED Bicol, pinayagan na ang mga paaralan sa pampubliko at pribadong kolehiyo na magsagawa ng kanilang face to face classes basta’t kailangan mayroong heird immunity ang mga non-teaching, teaching personnel at mga estudyante. Aniya, isa sa mga tinitingnan rin dito ng ahensya ay kailangan 90% fully vaccinated ang mga ito upang makapag face to face classes.
Binigyan diin nito ang ayaw pang magpapabakuna na faculty at estudyante ay magsasagawa ang mga ito ng flexible learning modality, online o offline classes.
Dagdag pa nito mayroong mga requirements upang payagan na makapagsimula ang mga universities sa gobyerno at pribado kung saan kinakailangan nasa alert level 2 o mas mababa sa alert status ang isang lugar, mayroong roof refitted at go signal ng Local Government Unit (LGU).
Sinabi ng opisyal, nasa mga paaralan na kung kailan sila magsisimula ng limited face to face claases basta susundin ng mga ito ang mga requirements.