Mga negosyo sa Bicol balik na sa normal – SEC

LEGAZPI – Balik na sa normal ang mga negosyo sa Bicol Region matapos ang halos dalawang taon umanong pandemya sa bansa.

Ito ang inihayag ni SEC Bicol Regional Director Atty Norma Tan-Olaya ng Securities and Exchange Commission (SEC) Bicol, ang ilang mga lalawigan sa rehiyon na walang-wala halos ngayong COVID-19

Aniya, simula taong 2021 at hanggang sa unang 4 na buwan ng kasalukuyang taon, patuloy ng dumarami ang bilang ng mga nagpapa-rehistrong korporasyon sa kanilang ahensya. Base sa tala, noong 2021 mahigit sa isang libong korporasyon ang na-irehistro.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ngayong taong 2022 mahigit na sa 400 na ang mga aplikante, sa nabanggit na bilang mahigit sa 200 ang na-aprubahan.

Kung ikukumpara sa taong 2020 ay tila umano humina ang bilang ng mga nagpaparehistro sa rehiyon. Tinuran ng opisyal, nang “innovative at resilient ang mga negosyante sa Bicol.”

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Karamiihan sa mga na-irehistrong korporasyon, sa larangan ng konstruksiyon, real state, restaurant, pagpatakbo ng hotel at maraming iba pa.

Binigyan diin niyang malaki din ang naitulong ng mga mega infrastructure projects sa rehiyon, gaya ng Bicol International Airport, mga pantalan at iba pa.

Samantala, sinabi pa nito, mithiin ng komisyon na maging digitized o online lahat ng transaksiyon sa kanilang tanggapan.