Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque na walang indikasyon sa ngayon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng eleksyon dahil sa COVID-19 surge.
Sinabi ni Duque na sakaling magkaroon, magiging granular lockdown na lamang ito dahil tapos na ang bansa sa widespread lockdown.
Ayon pa kay Duque, nasa minimal risk classification ngayon ang buong Pilipinas na ibig sabihin ay nasa negative ang case growth rate ng bansa.

Iginiit ni Duque na karamihan sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2 ay hindi naaabot ang 70% threshold ng 80% ng target population na dapat fully-vaccinated.
Ito aniya ang dahilan kaya naisalalim sa alert level 2 ang ilang lugar sa bansa.
Dagdag ni Duque na maaaring pagbatayan kung tumaas ang kaso ng COVID-19 ang pagtaas ng healthcare utilization rate at ang average daily attack rate kung saan may ilang lugar na ang nagpositibo sa ADAR.
Muli ding nagpaalala si Duque sa mga mamamayan na sumunod sa health protocols upang maiwasan na ang posibleng pagtas ng kaso ng COVID-19. (LEO NAVARRO-MALICDEM)