Matatanda pinaka-apektado sa COVID-19 lockdown sa China

Pinakaapektado ngayon sa lockdown sa China dahil sa COVID-19 ang mga may edad nang mamamayan partikular sa Shanghai City.

Ayon sa report, sa mahigit 500,000 na taong nahawa ng COVID-19, halos 10,000 sa mga ito ang nasa 80 anyos pataas.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Kaugnay nito, mahigpit na ipinatutupad ng China ngayon ang paglalagay sa mga positibo sa COVID-19 sa mga state-run quarantine centre.

Dahil sa pagdagsa ng mga infected ng virus. inirereklamo ngayon sa mga quarantine center ang maduming pasilidad partikular sa mga palikuran.

Inihayag ng ilang residente na marami sa mga nagkakasakit ang takot na madala sa mga quarantine centers lalo na ang mga may edad na dahil sa pangamba sa maduming paligid na posibleng maging dahilan pa ng mas maaga nilang pagpanaw.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Halimbawa nito ang pamilya ng isang 91-anyos na lolo na natatakot na baka sa halip na gumaling sa quarantine center ay doon pa mamatay ang kanilang kaanak.