CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang nabakunahan ng COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center as of January 10, 2023 sumasampa pa lang sa 12 percent ang nababakunahan ng unang booster shot.
Sa 434, 382 target population nasa 82. 6 percent ang nakatanggap ng unang dose, 72.0 percent ang partially vaccinated at 74. 8 percent naman ang fully vaccinated.
Ang Daet ang may pinakamataas sa ngayon na bahagdan ng COVID- 19 booster shot na mayroon nang 24. 3 percent na sinusundan ng pinakamaliit na bayan ng San Vicente may 20. 1 percent.
Ang Talisay ay mayroon nang 15 percent, Mercedes 14. 2 percent, San Lorenzo Ruiz 12. 6 percent at Basud 10. 2 percent.
Ang nalalabi pang mga bayan ay mas mababa pa sa 10 percent tulad ng Capalonga na may 9. 1 percent, Vinzons 8. 5 percent, Jose Panganiban 8. 2 percent, Labo 7. 2 percent, Sta Elena 6. 8 percent at Paracale na nasa 6 percent pa lang.
Nasa 1. 75 percent pa lamang sa buong lalawigan ang nakakatanggap naman ng ikalawang booster.
Umaabot naman sa 75, 640 ang hindi pa rin nakakatanggap ng kahit isang dose ng bakuna.
