Nasa labing isa na ang bilang ng mga munisipyo sa lalawigan ng Pampanga na wala nang aktibong kaso ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng bayan ng Magalang, Guagua, Porac, Sasmuan, Mexico, Sta Ana at Candaba.
Gayundin ang bayan ng Macabebe, Masantol, Minalin, at San Luis.
Sa ngayon nasa 106 pa ang natitirang aktibong kaso ng naturang virus sa buong lalawigan.
Habang ang total confirmed cases ay sumampa na sa 83, 580.
80, 436 dito ang naka rekober at may 3, 038 na nasawi.
