KORONADAL CITY- DALAWAMPU’T walong mga kliyente ng Balay Silangan Reformatory Center ng South Cotabato ang nakatanggap ng ayuda mula sa provincial government.
Ang mga ito ay kabilang sa 3rd batch ng mga nagtapos sa reformatory program.
Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tig P 10,000 na capital seed fund sa ilalim ng Alalay sa Negosyo, Ginhawa at Trabaho o ANGAT.
Layon nito na matulungan ang mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) na magkaroon ng income, mapabuti ang kanilang pamumuhay at makabalik sa komunidad.
Maliban sa cash assistance, isinailalim din ang mga benepisyaryo sa capability building skills katulad ng welding at beauty care upang mabigyan ang mga ito ng sapat na kapasidad sa pagsimula sa kanilang maliit ng negosyo.
Ang Balay Silangan Reformatory Center ay isang pasilidad para sa mga may kaso kaugnay sa iligal na droga na pumasok sa plea bargaining agreement at inisyuhan ng court order na irefer dito.
Sa naturang pasilidad, isinasailalim ang mga RPWUDS sa moral recovery program, life skills, livelihood programs, continuing education at values formation.
