KORONADAL CITY- UMABOT na sa 1,099,518 doses ng COVID 19 vaccine ang naiturok sa Soccsksargen region.
Batay sa COVID 19 vaccine statistics ng Department of Health o DOH 12 noong October 5, nasa 538, 211 na ang fully vaccinated habang 561,307 naman ang nakatanggap ng unang dose.
Karamihan sa mga nabakunahan ay nasa priority group A3 o mga may comorbidities kung saan 263,226 na sa mga ito ang fully vaccinated.
Fully vaccinated na rin ang 125,333 na mga senior citizens (A2); 96,849 na mga frontline healthcare workers (A1); 52, 796 na mga workers sa essential sectors (A4); at pitong mga nasa priority group A5 o kabilang sa poor population.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang COVID 19 vaccination sa region 12 kung saan hinihikayat ng mga health authorities ang mga nasa A1 hanggang A5 na magpalista na sa kanilang mga rural health units (RHU) upang mabigyan ng alokasyon ng bakuna at schedule ng vaccination.
