Covid-19 vaccination sa general adult population sa R-12, simula na!

KORONADAL CITY- NAGSIMULA na ang pagmamakuna kontra Covid-19 sa mga general adult population para sa mga edad 18-anyos pataas.

Ngunit nilinaw ng DOH Region-12 na babakunahan lamang ang “rest of adult population” o ROAP base sa available na bakuna na binili ng gobyerno.

Base sa Regional Vaccine Operation Center o RVOC Advisory ni Dr. Aristides Concepcion Tan, DOH-12 regional director, maaring mabakunahan kontra Covid-19 ang mga 18 taong gulang pataas ng Covid-19 vaccine na binili ng gobyerno kasabay ng pamamakuna sa mga naiiwang individual sa ilalim ng priority groups na A1, Expanded A1, A2, A3, A4, A5 at mga kabilang sa A+1 at Selected A3+1 Strategy.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Napag-alaman na hindi maaaring ibigay sa mga Priority Group na A4 at ROAP ang mga bakuna na donasyon galing sa COVAX maliban lamang kung papayagan ito ng National COVID-19 Vaccination Operations Center o NVOC.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dagdag pa ni Tan na hindi pa ipinatutupad sa Rehiyon-12 ang pamamakuna sa mga nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.