Mga nakapagparehistro sa National ID sa Camarines Norte umaabot na sa 289, 856

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 289, 856 na katao ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang noong October 31, 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) 87. 26 % ito sa target registrants na 332, 322 hanggang December 2021.

Sa 282 barangay ng lalawigan 204 dito ang nakakumpleto na ng Step 2 registration.

Matagumpay ding naisagawa ang mobile registration noong Oktubre sa ilang Barangay ng Daet tulad ng Awitan na mayroong 83 registrants, Borabod 1, 308 at Bagasbas 602.

Nagsagawa rin ng mobile registration sa ilang barangay ng Talisay tulad ng San Jose na may 287, Del Carmen 82, Sta Elena 309, San Nicolas 72 at Caawigan 355.

Binuksan rin nitong nakatalikod na buwan ang PhilSys Registration sa SM City Daet.

Nakapagsagawa na rin ng Step 2 registration sa 25 Barangay ng Capital Town.

Narito ang kabuuang bilang ng mga nakapagparehistro sa Step 2 registration hanggang noong Oktubre:

Basud             21, 337

Capalonga               20, 352

Daet                        45, 005

Jose Panganiban      23, 239

Labo                       56, 750

Mercedes                 21, 862

Paracale                  25, 295

San Lorenzo Ruiz      11, 664

San Vicente     8, 143       

Sta Elena                  22, 878

Talisay                   12, 099

Vinzons                  21, 232

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *