Mga miyembro na interesado sa Short Term Loan Condonation, inabisuhan ng SSS na mag-apply na ngayon

Inabisuhan ng Social Security System o SSS ang mga miyembrong interesado mag-avail ng short term loan condonation na maaari nang mag-apply ngayon.

Ito ay dahil sa tatlong buwan lamang ang availment period ng programang ito na magsisimula sa Novermber 15 hanggang sa Pebrero.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Matatandaan, ang condonation na ito ay bahagi ng Pandemic Relief and Restructuring Program o PRRP ng SSS na layong matulungan ang mga miyembro at employer na naapektuhan ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, ang mga eligible na miyembro lamang para sa short term loan condonation ay para sa mga miyembro na may past due loans ng anim na buwan sa simula ng condonation period.//Arjay Supe-BNFM OLONGAPO

May be an image of text