BNFM BICOL—Patuloy na sa pagbaba ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes nitong mga nakalipas na araw.
Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, dalawang bagong kaso lamang ng sakit ang naidagdag sa probinsya nitong nagdaang weekend.
Isa dito ang naitala sa bayan ng Pandan nitong Sabado habang isa naman sa bayan ng Virac, nitong araw ng Linggo.
Samantala, mataas naman ang bilang ng mga recoveries makaraang madagdagan ng 20 nitong weekend.
Kaugnay nito batay sa tala ng Provincial Health Office, umaabot na sa 2,748 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa probinsya kung saan 57 dito ang nananatiling aktibong kaso.
Nasa 2,572 na rin ang total recoveries habang nasa 123 naman ang fatalities o bilang ng mga nasawi.
Nagpapatuloy pa rin ang paalala ng PHO sa publiko na matamang sundin ang mga umiiral na minimum public health standards at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out sa islang probinsya.###