Hinihikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga lokal na pamahalaan sa Zambales na magkaroon o magtayo ng Balay Silangan.
Ito ay isang lugar kung saan maaaring sumailalim ang mga drug pusher sa rehabilitation program.
Ayon kay PDEA Zambales Provincial Officer Jigger Juniller, sa ngayon ay ang bayan lamang ng San Narciso ang nag-iisang bayan sa probinsiya na mayroong Balay Silangan.
Kapag mayroon aniyang Balay Silangan ay may pagkakataon ang mga tulak ng ipinagbabawal na droga na sumailalim sa rehabilitasyon para hindi na bumalik pa sa dating gawain paglabas.
Ilan sa mga pwedeng gawin dito ay livelihood trainings para magkaroon ng marangal na kabuhayan.
Isa pa ay requirement rin para madeklarang drug cleared municipality ang isang bayan ay ang pagkakaroon ng Balay Silangan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
