Mga nagparehistro sa midterm elections, higit 2M na

Posible pang mahigitan ng Commission on Elections (COMELEC) ang target nitong 3 milyon na bagong botante para sa 2025 national and local elections.

Ito ay matapos ang dalawang buwan nang simulan ang registration ay pumalo na sa 2,082,744 ang nagsumite ng voter’s registration form para makaboto.

Sa pinakahuling tala ng Comelec, sa nagparehistro ang pinakamarami ay mula sa REGION IV A- CALABARZON na umabot sa 386,256.

Sinundan ito ng National Capital Region na may 312,865 at Region 3 na may higit 243,000.

Nagsimula ang registration noong February 12 at nakatakdang magtapos sa katapusan ng Setyembre ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *