Sink hole sa Sales Road sa Pasay City, nabuhusan na ng semento

Sa pagpapatuloy na pagsasagawa sa bahagi ng Sales Road-eastbound sa Pasay City, nabuhusan na ng semento kagabi ang malaking butas na nadiskubre sa kalsada.

Ayon sa DPWH, pinapatuyo na lamang ito at bago latagan ng aspalto.

Inaasahan na mabuksan sa trapiko ang bahagi ng Sales Road ngayong hapon.

Samantala, pansamantalang nagbukas ang MMDA ng linya sa westbound ng Sales Road para magamit sa counterflow ng mga sasakyan na dumaraan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *