CAMARINES NORTE- Aabot sa 753 katao ang nagparehistro sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa katatapos lang na extended voter registration na ginawa mula noong October 11- 30, 2021.
Batay sa datos ng Commission on Elections pinakaraming application type ay registration na nasa 339 o 45. 02 % at transfer mula sa ibang munisipyo na may 287 o 38. 11 %.
Marami- marami rin ang reactivation na nasa 60 o 7.97 %.
Matatandaan na sa pinakahuling datos ng Comelec ay nadagdagan ng mahigit dalawang libo ang mga boboto sa darating na May 2022 national and local elections sa naturang bayan.
Mula sa mahigit 32, 000 na registered voters noong 2019 elections ay umaabot na ito sa 34, 389.
Nasa mahigit 200 naman ang natanggal sa listahan ng mga botante sa ginawang Election Registration Board (ERB) hearing noong Oktubre.
Ngayong buwan ay nakatakdang magkaroon muli ng ERB hearing dahil sa pinalawaig na voter registration.
