Mga nagpa-booster shot vs Covid-19 sa lungsod ng Sorsogon nasa 22% pa lang – CHO

SORSOGON CITY—Aminado si Dr. Rolando Dealca, head ng Sorsogon City Health Office (CHO) na mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapabooster shot laban sa Covid-19 sa lungsod.

Bagamat umabot na sa halos 81% ng target population ang mga nakapagpabakuna ay nasa sa 22% pa lamang sa mga ito ang nagpaturok ng booster dose laban sa nasabing sakit.

Target kasi anya ng Kagawaran ng Kalusugan na mabigyan ng booster shot ang 50% ng target population hanggang sa katapusan ng Oktubre bilang bahagi ng paghahanda sa face-to-face classes sa Nobyembre.

Kaugnay nito ay hinimok ng opisyal ang mga mamamayan na magpaturok ng booster dose bilang dagdag proteksyon lalo pa at hindi pa rin tapos ang laban kontra Covid-19.

Una nang inihayag ni Dealca na nasa 30-35% ang positibity rate ngayon ng Covid-19 sa lungsod ng Sorsogon pero kaya umano itong makontrol kung makikisa ang lahat sa pagsunod sa minimum health standards at pagpapabakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *