Mga naglalakihang celebrity lalahok sa MMFF 2024

Inanunsyo ng Metro Manila Film Festival(MMFF) ang mga unang opisyal na kalahok para sa taong 2024, kasabay ng kanilang grand launch.

Magsasama sina Vice Ganda at Eugene Domingo sa pelikulang “AND THE BREADWINNER IS…” sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana. Isang kombinasyon ng komedya at drama ang kanilang hatid.

Samantalang si Dennis Trillo at Sofia Pablo naman ang magtatambal sa pelikulang “Green Bones” maghahatid ang pelikulang ito ng suspense at drama sa mga manonood, sa ilalim ng direksyon ni Zig Dulay.

Magpapakitang-gilas naman sa musikal sina Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra, at Victor Robinson, sa ilalim ng direksyon ni Pepe Diokno na pinamagatang “Himala, Isang Musikal”

Habang ang veteranong aktor na si Vic Sotto ay makakasama si Piolo Pascual sa aksyong pamilya drama na, “The Kingdom” sa ilalim ng direksyon ni Michael Tuviera.

Hindi rin magpapahuli ang “Strange Frequencies: Haunted Hospital. Na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Jane de Leon, Rob Gomez, at Alexa Miro.(BRIGADA NEWS INTERN – ANGELINE MESINA)