Humakot ng milyun-milyong views ang ngayo’y deleted video, pero ni-repost ito sa social media ang confession ng isang veledictorian graduate sa kanyang classmate.

Tumanggap si Eds ng walong awards, with highest honors; domain proficient in arts; Mathematics, Social Sciences, and Tech Voc.; leadership award; loyalty award; principal’s list award; most outstanding student award; president’s list awardee; at Gawad Sibol – finalist.
Matapos ang awarding, ibinigay ni Eds ang kanyang mensahe sa ngalan ng mga nagsipagtapos. Inumpisahan niya ito sa pamamagitan ng pagbati sa mga panauhing dumalo sa kanilang graduation.
Parte rin ng kanyang speech ang pagpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang senior high school journey. Sa bandang huli, nagulat at kinilig ang lahat nang bigla siyang nag-confess sa crush niya na isa ring graduating student mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand.
Bagamat marami ang kinilig, hindi rin naiwasan na marami ang mabahala dahil sa anila’y “awkward situation” para kay Kaye.
Ang sabi ng isang netizen, “kawawa naman si Potassium proud moment sana yung graduation para sa kanya kaso naging awkward moment pa. sana naisip nya how much pressure yung binagay nya dun sa girl”
Sa ngayon, may mga nagki-claim na naka-block na raw si Eds sa social media ni Kaye, pero may mga schoolmates na nagsabing friends pa rin naman daw ang dalawa. (BRIGADA NEWS INTERN RAY REPICIO)