Mga memorial parks, sementeryo at kolumbaryo sa Naga City, sarado mula Oktubre 25; fully vaccinated na seniors at buntis papapasukin

NAGA CITY- Sarado mula sa Oktubre 25 hanggang sa Nobyembre 5 ang mga memorial parks, sementeryo at kolumbaryo sa Naga City.

Ito ang nakapalaman sa Executive Order No. 2021-028 ni Mayor Nelson Legacion para ngayong All Saints Day at All Souls Day, upang maiwasan ang pagdagsa ng mga bibisita sa puntod ng mga mahal sa buhay at maiwasan ang paghawa ng COVID-19.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kung bibisita bago o pagkatapos ng nasabing schedule, pwede tuwing alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, subalit dalawang oras lamang maaaring manatili.

Papayagang makapasok ang mga 18-59 anyos at ang mga fully vaccinated na senior citizens gayundin ang fully vaccinated na buntis.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Subalit kahit na nga sarado para sa pagbisita sa nasabing mga araw, papayagan ang libing, 30 katao lamang ang kapamilyang pinapayagang dumalo.

Bawal nagdala ng pagkain at magtinda ng pagkain, kandila , bulaklak at iba pa loob. Lalong bawal ang pagsugal, bawal din ang pagpapatugtog ng malakas. Hindi rin pinapayagan ang Halloween activities sa mga mall at pampublikong lugar.