NAGA CITY- Naka heightened alert na ang Naga City dahil sa Earthquake swarm o ang nararamdamang sunod-sunod na paggalaw ng lupa mula pa noong Huwebes hanggang nitong Linggo Oktubre 17, 2021.
Ayon kay Mayor Nelson Legacion, nakaalerto at nakahanda ang mga ahensya ng disaster response. Nagbigay na rin ng direktiba sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) , Naga City Police Office (NCPO) at anim na stations nito , Bureau of Fire Protection (BFP), Public Safety Office o PSO responders at sa 27 Barangays.
Nagpapatuloy din ang inspeksyon ng mga government engineers sa mga tulay, flood control structures at iba pang establishments.
Isa sa mga nasa centro ng Naga ang Barangay Tabuco, ayon kay Barangay Kagawad Siony Flor, handa ang mga opisyal sakaling lumakas pa ang lindol, inaabisuhan din ang mga residente sa dapat na gawin. Bukod dito nakikipag ugnayan rin sila sa mga business owners upang tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at costumers.