CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang vaccination rollout sa pediatric population sa Bicol.
Sa isinagawang virtual press briefing nitong Lunes, inihayag ni Dr. Janish Alcala Arellano na base sa guidelines ay magro- rollout muna sa pediatric population 12- 17 year old na mayroong comorbidities.
Ang registration umano ay ginagawa sa mismong ospital kung nasaan ang mga ito o maaaring mag inquire sa kani- kanilang ospital.
Pero sa ngayon ay nasa preparing stage pa lang ang din ang mga ospital at wala pang rollout sa rehiyon.
Magkakaroon lang umano ng vaccination rollout sa pediatric population kung naka 50 % na o higit pang coverage sa priority group A2 o senior citizens.
Gayunman maaari naman daw magbago ang guidelines depende sa sitwasyon pero sa ngayon ang existing ang sinusunod.
Kaya naman importante umanong makapagpabakuna na ang mga nakatatanda.
Umapela rin ang DOH sa publiko na huwag maniwala sa mga misinformation tungkol sa bakuna.

