Mga matataas na opisyal ng DOH bumisita sa Camarines Norte para sa Chikiting Bakunation Days

CAMARINES NORTE- Bumisita kahapon ang ilang matataas na opisyal ng Department of Health sa lalawigan ng Camarines Norte upang personal na tingnan ang Chikiting Bakunation Days.

Pinangunahan ito ni Asec Nestor Santiago at Regional Director Ernie  Vera ng DOH CHD Bicol.

Bago nagtungo sa ilang vaccination sites ay bumisita ang nabanggit na opisyal kay Governor Edgardo Tallado.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ilan lamang sa mga vaccination sites na tinungo ng mga DOH officials ay ang San Lorenzo Ruiz kung saan nagkaroon din ng pakikipag usap kay Mayor Nelson Delos Santos.

Ayon sa DOH ang Chikiting Bakunation Days ay isinasagawa tuwing huling Huwebes at Biyernes ng buwan simula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Layunin nito na magbigay proteksyon sa mga chikiting kontra vaccine-preventable diseases tulad ng Polio, Measles, Rubella, Mumps, Tetanus, Pertussis, Diptheria at iba pa.

Bukod sa Bakunation Days ay patuloy pa rin ang Bakuna Wednesday.

(Photos: DOH Bicol)