CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng anim na bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus- Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) ang lalawigan ng Camarines Norte mula Enero hanggang Pebrero nitong taon.
Batay ito sa datos ng Department of Health- Bicol hanggang noong Pebrero 2022.
Dahil dito umabot na sa 140 ang kabuuang kaso ng HIV/AIDS sa lalawigan mula noong 1984.
Nitong nakatalikod na Miyerkules, Mayo 25 ay isinagawa ang International AIDS Candlelight Memorial sa bayan ng San Vicente.
Pinangunahan nito ni Provincial Health Officer Officer Dr. Arnel Francisco kasama ang iba pang mga health officials sa lalawigan at mga empleado ng LGU San Vicente sa pangunguna naman ni Mayor Francis Ong.
Layon ng naturang aktibidad na buksan ang kamalayan ng publiko hinggil sa HIV/AIDS at alalahanin ang mga namatay nang dahil sa naturang virus.
(Photos Courtesy: Provincial Health Office)
