Mga matataas na heat index sa Albay, dahilan ng madalasang power interruptions – ALECO

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) na ang madalasan at sunud-sunod na intermittent power interruptions ay dulot ng mga naitatalang matataas na heat index sa lalawigan.

Ayon sa ALECO, dahil sa mataas na demand sa kuryente, samahan pa ng mga strain sa power grid, nagreresulta ito sa periodic interruptions sa paghahatid ng kuryente sa mga peak hours.

Aminado naman ang kooperatiba sa abalang naidulot ng sunud-sunod na power interruption ngunit sinabi nitong ginagawa na ng kanilang tanggapan ang lahat ng makakaya para mabawasan ang epekto nito.

Dagdag pa ng ALECO, ang kanilang mga tauhan ay nakatuon at handang tumugon sa oras na magkaroon ng anumang mga problema sa kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *