China – muling binomba ng tubig ang resupply mission ng mga tropa sa Bajo de Masinloc

Muling binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na papunta sanang Bajo de Masinloc.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela – nagsagawa ng resupply mission at maritime patrol ang BRP Bagacay (MRRV-4410), at ang BRP Bankaw(MMOV-3004) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Muli raw nagsagawa ng peligrosong maneobra at pagharang ang apat na China Coast Guard vessels at anim na mga Maritime Militia vessels ng China.

Unang binomba ng tubig ng CCG-3305 ang BRP Bankaw; at nang makalapit na ang BRP Bagacay ay tska na ito sabayang binomba ng Chinese ships na CCG-3105 and CCG-5303.

Dahil dito – nagtamo ng pinsala ang naturang barko, kabilang na sa railing at sa canopy nito.

Sabi ni Tarriela, ang naturang mga pinsala ay malinaw na ebidensya sa pangha-harass ng China.

Muli rin umanong nag-install ng 380-m floating barriers ang CCG para harangan ang entrance ng Bajo de Masniloc.

Sa huli – nangako ang PCG na ‘di sila magpapatinag sa kanilang mandato na magsagawa ng mga lehitimong operasyon para suportahan ang ating mga Kababayan.

Sa hiwalay na tweet ng Sea Light director na si Ray Powell – napag-alamang matagal nang nakapatay ang automatic identification system o AIS nito mula pa noong April 21.

Nanindigan naman ang China sa kanilang ginawa.

Sa isang pahayag – sinabi nilang in-expell daw talaga nila ang mga barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Idiniin ng China na pagma-mayari nila ang naturang teritoryo, sa kabila ng pagkapanalo na rito ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *