Mga mangingisda mula sa Puerto Princesa, naglayag sa Reed Bank re: 8 nawawala

Naglayag kahapon mula sa Barangay Bagong bayan sa Puerto Princesa ang mga mangingisda para hanapin ang walong ( 8 ) kasamahan na nawala sa Reed Bank sa West Philippine Sea.

Baon ang dasal at pag-asa ay hahalughogin nila ang Reed Bank para makita ang kasamahan na mahigit isang Linggo nang nawawala simula noong September 22, 2022.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ayon kay Ms. Arlene Barillo, matapos ang anim na araw ay inaasahan nilang makakabalik na ang mga ito dala ang positibong balita.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang mga naglayag kahapon ay ang ilan sa mga kasamahan ng walong nawawala na agad bumalik noong September 22 o bago manalasa ang bagyong “Karding”.