CAMARINES NORTE – Hindi lang ang mga mangingisda ang apektado ngayon ang kabuhayan dahil sa amihan na inaasahang tatagal pa hanggang Pebrero o sa unang bahagi ng Marso.
Pati ang mga gumagawa ng tinapa ay umaray na rin dahil sa kakulangan o kawalan ng suplay ng isda sa lokalidad.
Ayon sa ilang magtitinapa sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte nanggagaling pa sa labas ng lalawigan ang suplay ng isda na ginagawang tinapa kaya mayroon ding dagdag gastos tulad ng transportation cost at storage.
Ang isa sa mga nakausap ng Brigada News FM Daet na ang gawaan ng tinapa ay malapit lang sa dalampasigan ay tila palaging nakikipagsugal sa kalikasan.
Kapag daw kasi mayroong sama ng panahon ay inaabot ang kaniyang tapahan ng tubig dagat at nasisira ito.
Kung maaalala ay umaaray na ang ilang mga manngingisda na nakapanayam ng Brigada News FM Daet noong nakaraang linggo dahil hindi makapaghanapbuhay ng maayos.
Mababatid na mayorya sa mga residente sa nabanggit na lugar ay pangingisda ang ikinabubuhay.
