Isang pitong (7) taong gulang na batang babae ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang kweba sa Lucban, Quezon nitong Linggo, Enero 14.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, napaulat umanong nawawala ang biktima at hindi na ito nakauwi noong gabi ng Enero 13.


Sa paghahanap ng mga kaanak, nasaksihan ng mga ito ang paglabas ng suspek sa kweba habang may dala-dalang bareta kung kaya pinasok nila ito.
Nakita sa lugar ang tsinelas ng biktima at maging ang nakahanay na mga bato at nang inalis nila ito at doon na tumambad ang wala ng buhay na biktima.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek habang nagpapatuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.