Mga magsasakang nag-avail ng condonation program ng NIA nasa 50 % pa lang

CAMARINES NORTE – Maraming magsasaka pa rin sa lalawigan ng Camarines Norte na mayroong pagkakautang sa National Irrigation Administration (NIA) ang hindi pa nag- aavail ng condonation program.

Ayon kay Mar Villamonte, Information Officer ng NIA Camarines Norte sa ngayon ay nasa 50 % pa lang ang nag- aavail sa programa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ngayon umano ay mataas na rin ito dahil mayroon na umano silang weekly target na mag- aavail ng condonation.

Kaugnay nito ay muling umapela ang ahensiya sa mga magsasakang hindi pa nakaka- avail ng condonation program na magtungo na sa kanilang opisina para malinis ang kanilang pagkakautang .

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang mga nagnanais mag- avail ay mangyari lamang na magdala ng mga sumusunod na dokumento.

Isa umano sa problema kung bakit mataas pa rin ang bilang ng mga hindi nakakapag- avail ng condonation program at dahil may mga pagkakataon nan as aibang lugar ang landowner.