Kumpyansa si Special Assistant to the President for Investment and Economy Affairs Frederick Go, na masisimulan sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang Luzon Corridor Projects.
Sa ambush interview kay Go sa Malacañang, sinabi nitong long term project ang nilalaman ng Luzon corridor kaya hindi ito basta-basta masisimulan, pero tiwala syang magsisimula ito sa panahon ng panunungkulan ng Pangulo.
Sa ngayon kabilang sa Luzon Economic Corridor ang Japan at Amerika.
Ibig sabihin maaari na nilang himukin ang business leaders sa kanilang bansa na mamuhunan sa Luzon Corridor.
Samantala, kabilang sa mga sektor na open for investment sa Luzon Corridor ay renewable energy, data centers, food production, internet connectivity, at marami pang iba.