Pagre-release ng social pension sa mga senior citizens, gagawin nang buwanan

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas madalas nang matatanggap ng mga senior citizens ang kanilang social pension.

Batay ito sa inilabas na Memorandum circular ng ahensya.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Nakasaad dito na hindi na pahihintulutan ang semestral payment para sa social pension ng mga senior citizens.

Batay sa memorandum, sakaling hindi maibibigay ang buwanang pension, pupuwede itong i-release kada ikalawa at ikatlong buwan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, exempted sa buwanang release ang mga benepisyaryong nakatira sa malalayong lugar, maging yung mga nasa area na nasa ilalim ng state of calamity.