Nakolektang langis sa lumubog na MTKR Terranova, umaabot na sa mahigit 900k litro

Umaabot na sa mahigit 900k liters ng langis ang nakolekta sa lumubog na MTKR Terranova sa Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) , nasa 97,011.58 liters ng oil waste ang nakolekta kagabi sa nagpapatuloy na oil recovery operation.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Simula ng isagawa ang siphon test noong August 19 , nasa kabuuang 903, 265.58 liters na ng langis ang nakolekta mula sa tanker.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Patuloy naman mino-monitor ng PCG ang isinasagawang siphoning operation.

Nagsasagawa rin ng aerial surveillance sa ground zero para matiyak na walang oil sheen habang isinasagawa ang operasyon.