Mga kumandidato sa bayan ng Mercedes sa nakaraang BSKE na nakakapaghain ng SOCE, 17 pa lang sa mahigit 1K

CAMARINES NORTE – Wala pang dalawampu na mga kumandidato sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang nakakapaghain ng kanilang Statements of Election Contributions and Expenditures (SOCE).

Batay sa datos ng Commission on Elections sa naturang bayan sa 1, 209 na kumandidato noong BSKE, labing pito pa lang nag nakakapaghain ng SOCE hanggang kahapon ng umaga.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Isa dito ay tumakbong Punong Barangay 16 na barangay kagawad at isang Sangguniang Kabataan Chairman.

Una nang nanawagan si Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sa mga kumandidato, nanalo man o natalo na maghain ng kanilang SOCE sa loob ng 30 araw pagkatapos ng eleksyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang SOCE ay isang masinsinan at komprehensibong report tungkol sa mga kontribusyon at paggasta sa kampanya ng mga kumandidato.