CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa mga kumandidato noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) batay sa panuntunan ng Commission on Elections.
Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon magbabase rin ang BIR sa deklarasyon ng mga kumandidato sa Comelec at kung kailangang magbayad ang mga ito ay pagbabayarin.
Sa sandaling mabigo ang mga itong maghain ng SOCE sa nakatakdang oras ay maaari umanong sila’y pagmultahin.
Una na ring nagpaalala ang Comelec sa mga kumandidato sa nakaraang BSKE, nanalo man o natalo, na dapat ay personal na magpasa ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE), at iba pang angkop na dokumento sa Office of the Election Officer (OEO) kung saan naghain ng kandidatura.
Ayon sa COMELEC, ang huling araw ng pag-file ng SOCE ay sa November 29, 2023.
